14℃
Beijing

Mga layon ng pang-uupat ng mga bansang kanluranin sa isyu ng bulak sa Xinjiang

2021-04-01 21:05:53  CMG
Share with:

 

Sa episode kamakailan ng kanyang palatuntunang pinamagatang "The Point," sa China Global Television Network (CGTN) hinimay-himay ni Liu Xin ang mga layunin ng pang-uupat ng mga bansang kanluranin sa isyu ng bulak sa Xinjiang.

 

Ani Liu, nais ng mga bansang kanluranin na hadlangan ang pag-unlad ng industriya ng paghahabi, at sirain ang katatagan ng kabuhayan at lipunan ng Xinjiang; maging ng buong Tsina.

 

Kaugnay ng di-umano'y "sapilitang pagtatrabaho" sa Xinjiang, sinipi ni Liu ang impormasyong napapaloob sa dalawang dokumento mula sa tanggapan ng Better Cotton Initiative (BCI) sa Shanghai at SKECHERS, pandaigdigang kompanya ng kasuotang pampaa, na nagsasabing, batay sa kani-kanilang imbestigasyon, walang sapilitang pagtatrabaho sa Xinjiang.

 

Kasabay nito, kinapanayam din ni Liu ang dalawang dayuhang may malalim na kaalaman sa nabanggit na isyu, na sina Daniel Dumbrill, kilalang Canadian Youtuber na nag-eespesyalista sa mga isyung pulitikal, at Max Blumenthal, founder at editor-in-chief ng The Grayzone, independiyenteng website na nagsasagawa ng imbestigasyong pulitikal.

 

Tunghayan natin ang mga video ng dalawang panayam na ito.

 

Editor/Host/Video shooting and editing: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan
Video courtesy: CGTN

Koment( Komento)

Please select the login method