Programa ng pagsusuri ng yelo para sa Beijing Winter Olympics, sisimulan

2021-04-01 11:48:37  CMG
Share with:

Mula Abril 1 hanggang Abril 10, 2021, isasagawa ang isang serye ng ice testing program sa 5 pagdarausan ng mga paligsahan para sa Beijing 2022 Winter Olympic Games.
 

Ito ang magsisilbing komprehensibong pagsubok sa pag-oorganisa ng mga paligsahan, pagtakbo ng mga lugar na pagdarausan ng mga laro, paggarantiya sa mga serbisyo at iba pang gawain ng Beijing Winter Olympic at Paralympic Games.
 

Ayon kay Yao Hui, Chief Sports Venue Manager ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Winter Olympics, ipapatupad ng iba’t ibang lugar na pagdarausan ang iba’t ibang sistema at mga pinakahuling hakbangin sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, ayon sa kalagayan sa panahon ng Olimpiyada.
 

Aniya, ang pagtuklas ng mga problema at unti-unting pagpapabuti ng mga gawain sa pamamagitan ng pagsubok ay napakahalagang gawain ng paghahanda para sa Beijing Winter Olympics.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method