Mga panig na kalahok sa JCPOA, tatalakayin ang prospek ng muling pagbalik ng Amerika

2021-04-02 14:38:56  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag ng Unyong Europeo (EU) nitong Huwebes, Abril 1, 2021, idaraos Biyernes ang virtual meeting ng mga kasaling panig ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA), para talakayin ang prospek ng muling pagbalik ng Amerika sa nasabing kasunduan.
 

Lalahok sa pulong ang mga kinatawan mula sa Tsina, Pransya, Alemanya, Rusya, Britanya at Iran.
 

Sa regular na preskon nang araw ring iyon, sinabi ni Ned Price, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, na buong lugod na nakita ng panig Amerikano ang pangungulo ng EU sa nasabing pulong.
 

Aniya, laging inihaharap at tinatalakay ng panig Amerikano, kasama ng mga kaalyansa, ang solusyon, upang maisakatuparan ang muling pagsunod ng Amerika at Iran sa JCPOA.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method