Iran, hiniling sa Amerika na alisin ang lahat ng sangsyon

2021-04-05 11:15:47  CMG
Share with:

Sinabi nitong Linggo, Abril 4, 2021 ni Abbas Araghchi, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Iran, na sa isyu ng pagbalik ng Amerika sa komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng Iran, tinanggihan ng kanyang bansa ang yugtu-yugtong plano.

 

Hiniling din niya sa Amerika na alisin ang lahat ng sangsyon laban sa Iran.

 

Sa isang panayam, sinabi ni Araghchi na sa kaukulang pulong tungkol sa naturang kasunduan na nakatakdang ganapin sa Vienna sa Abril 6, ipapaabot ng Iran ang kahilingan at kondisyon nito sa pagbalik muli sa kasunduang sa mga iba pang kaukulang panig, maliban sa Amerika.

 

Aniya, hinihiling ng Iran sa Amerika na ganap muna nitong tupdin ang kasunduan sa isyung nuklear ng Iran at alisin ang lahat ng sangsyon laban sa Iran.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method