Pangulong Tsino, bumati sa panunungkulan ni Nguyễn Xuân Phúc bilang pangulo ng Biyetnam

2021-04-06 10:02:42  CMG
Share with:

Ipinadala nitong Lunes, Abril 5, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay Nguyễn Xuân Phúc bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang pangulo ng Biyetnam.

 

Sa mensahe, ipinagdiinan ni Xi ang kanyang lubos na pagpapahalaga sa pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames. Nakahanda aniya siyang magsikap kasama ni Pangulong Nguyễn upang walang humpay na mapasulong ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa sa ilalim ng patnubay ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng dalawang bansa.

 

Nang araw ring iyon, ipinadala rin ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mensahe kay Phạm Minh Chính bilang pagbati sa panunungkulan niya bilang Punong Ministro ng Biyetnam.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method