14℃
Beijing

Hilagang Korea, hindi sasali sa Tokyo Olympics

2021-04-06 15:41:54  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng Yonhap News Agency na lumabas Martes, Abril 6, 2021, nagpasya ang Hilagang Korea na hindi sumali sa Tokyo Olympic Games, dahil nananatiling malala pa rin ang kalagayan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
 

Sapul nang sumiklab ang pandemiya, agarang isinasagawa ng Hilagang Korea ang mahigpit na hakbanging kinabibilangan ng pagsara ng hanggahan, upang pigilan ang pagkalat ng virus. Paulit ulit na inihayag ng official media ng Hilagang Korea na hanggang ngayon, walang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang natuklasan sa loob ng bansa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Koment( Komento)

Please select the login method