14℃
Beijing

Iran sa Amerika: Ganap na alisin ang lahat ng sangsyon

2021-04-06 10:52:21  CMG
Share with:

Sa regular na preskon nitong Lunes, Abril 5, 2021, inulit ni tagapagsalita Saeed Khatibzadeh ng Ministri ng Ugnayang Panlabas ng Iran, na tinanggihan ng kanyang bansa ang yugtu-yugtong plano ng pag-aalis ng sangsyon laban sa Iran.

 

Sinabi niya na dapat lubusang alisin ng Amerika ang lahat ng sangsyon laban sa Iran. Makaraang matiyak ng Iran ang pag-aalis ng mga sangsyon, komprehensibo nitong tutupdin ang kasunduan ng isyung nuklear ng Iran, dagdag niya.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Koment( Komento)

Please select the login method