14℃
Beijing

Joe Biden, suportado ang two-state solution sa isyu ng Palestina at Israel

2021-04-08 11:43:05  CMG
Share with:

Inihayag nitong Miyerkules, Abril 7, 2021 ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang pagsuporta sa two-state solution sa isyu ng Palestina at Israel.
 

Nang araw ring iyon, ipinatalastas ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, ang pagpapanumbalik ng saklolo sa Paletina na nagkakahalaga ng 235 milyong dolyares.
 

Sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Donald Trump, isinantabi ang two-state solution na kinatigan ng Amerika sa loob ng mahabang panahon, walang humpay na binawasan ang tulong sa Palestina, kinilala ang Jerusalem bilang kabisera ng Israel, at inilipat ang embahada ng Amerika sa Jerusalem mula sa Tel Aviv.
 

Halos naputol ang ugnayang diplomatiko sa pagitan ng Amerika at Palestina noong panahon iyan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method