Walang anumang kaugnayan ang Amerika sa insidente na naganap kamakailan sa pasilidad na nuklear sa Natanz ng Iran, ipinahayag ito Abril 12, 2021, ni Jen Psaki, Press Secretary ng White House.
Ayon kay Psaki, hindi sangkot ang Amerika sa naturang insidente, at walang anumang palagay ang Amerika sa dahilan o epekto ng insidenteng ito.
Aniya, nag-popokus ngayon ang Amerika sa bagong round na talastasan hinggil sa pagpapanumbalik ng Amerika at Iran ng komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran. na idaraos Abril 14, 2021, sa Vienna.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio