Bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Tsina, dumating sa Mauritius

2021-04-14 16:38:12  CMG
Share with:

Dumating gabi ng Abril 13, 2021, sa Sir Seewoosagur Ramgoolam International Airport, Mauritius, ang bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Tsina.

Bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Tsina, dumating sa Mauritius_fororder_mauritius

Sa seremoniya ng pagsalubong, ipinahayg ni Alan Ganoo, Ministrong Panlabas ng Mauritius, na ang pagkakaloob ng Tsina ng bakuna para sa Mauritius ay nagpakita muli ng magandang pagkakaibigan ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag rin ni Kailesh Jagutpal, Ministro ng Kalusugan ng Mauritius na ang pagdating ng bakunang Tsino ay makakatulong sa Mauritius na isagawa ang plano ng pagbabakuna at pagsasakatuparan ng target ng imunisasyon sa lalong madaling panahon.

 

Samantala, ipinahayag ni Gong Yufeng, Charge d'Affaires ng emabahadang Tsino sa Mauritius, na ang bakuna ay aktuwal na pagpapakita ng kooperasyon ng Tsina at Mauritius sa paglaban sa COVID-19, at sumasagisag itong pumasok na ang kooperasyon sa pagkontrol ng COVID-19 ng dalawang bansa sa bagong yugto.

 

Ayon sa datos, hanggang Abril 13, 2021, umabot sa 1,198 ang bilang ng kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Mauritius, at 15 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw sa bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method