Pangulo ng Zimbabwe, binakunahan ng ika-2 Sinovac vaccine shot

2021-04-23 10:04:17  CMG
Share with:

Tinanggap nitong Miyerkules, Abril 22, 2021 ni Pangulong Emmerson Dambudzo Mnangagwa ng Zimbabwe ang ikalawang Sinovac vaccine shot.

 

Ini-post niya sa social media ang litrato ng kanyang pagpapaturok ng bakuna. Nanawagan din siya sa mga mamamayan ng Zimbabwe na magpabakuna.

 

Aniya, epektibo ang bakuna kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na nagiging mabuting panlaban sa pandemiya.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method