Europeong iskolar, pinuna ang pananalita ng umano’y “genocide” sa Xinjiang

2021-05-08 16:28:40  CMG
Share with:

Nitong Abril 27, 2021, inilabas ni Thore Vestby, dating Mayor ng Frogn municipality ng Norway, kasama ng mga iskolar ng Netherlands at Denmark, ang feature report na pinamagatang "The Xinjiang Genocide Determination As Agenda."
 

Sa pamamagitan ng mas maraming detalyadong materyal at impormasyon, pinuna ng nasabing ulat ang obdyektibidad ng ulat ng panig Amerikano hinggil sa Xinjiang, ibinunyag ang isyu ng terorismo sa Xinjiang na sinasadyang balewalain ng nasabing ulat, at pinatunayan ang pagkamakatwiran ng mga gawain ng paglaban sa terorismo at deradikalisasyon ng Xinjiang.
 

Ipinalalagay ng nasabing ulat na ang inilandtad ng panig Amerikano na ulat kaugnay ng Xinjiang ay ganap na nababatay sa kaisipan ng cold war, at lipos ng pekeng impormasyon at datos. Wala itong anumang batayang akademiko, at grabeng taliwas sa katotohanan. Di-maaari nitong mapatunayan ang pagkakaroon ng “genocide” sa Xinjiang.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method