World Athletics President, nananalig na idaraos ang Tokyo Olympics sa nakatakdang iskedyul

2021-05-10 11:30:37  CMG
Share with:

Olympic Stadium, Tokyo—Ginanap nitong Linggo, Mayo 9, 2021 ang athletics test event ng Tokyo Olympic Games, at ito’y pinanood ni World Athletics President Sebastian Coe.
 

Muli niyang inihayag ang matibay na determinasyon sa pagtataguyod ng Olimpiyada ayon sa nakatakdang iskedyul.
 

Dahil sa paglala ng situwasyon ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Hapon, pinahaba ng pamahalaang Hapones ang state of emergency sa maraming rehiyong kinabibilangan ng Tokyo, Osaka, Hyogo at Kyoto hanggang sa katapusan ng Mayo.
 

Kaugnay nito, tuluy-tuloy na bumababa ang support rate ng mga mamamayan sa Olimpiyada.
 

Nang araw ring iyon, maraming mamamayang Hapones ang nagprotesta sa labas ng gusali ng Olympic Committee ng Hapon na kalapit ng Olympic Stadium.
 

Hiniling nila ang pagkansela ng Tokyo Olympics.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method