Ika-13 National Disaster Prevention and Mitigation Day: Mga pagsasanay sa pangkagipitang kapahamakan, ginaganap sa Tsina

2021-05-12 16:09:11  CMG
Share with:

Ang Mayo 12, 2021, ay ika-13 National Disaster Prevention and Mitigation Day ng Tsina, na may temang “Pagpigil ng Panganib ng Kapahamakan, Pagpapatibay ng Pundasyon ng Ligtas na Pag-unlad.”

 

Nitong ilang araw na nakalipas, sa iba’t ibang porma, sunud-sunod na isinagawa sa iba’t ibang lugar ng Tsina ang pagpapalaganap ng kaalaman sa pagpigil at pagbabawas ng kapahamakan, pagsasanay ng pangkagipitang kalagayan, at iba pang aktibidad, para lalo pang pataasin ang kakayahang pampubliko sa harap ng pangkagipitang kapahamakan.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Chen Sheng, opisyal ng Ministri ng Emergency Management ng Tsina, na napakahalaga ng pagpapalaganap ng kaalaman kaugnay ng pagpigil at pagbabawas ng kapahamakan sa mga mamamayan, para sa pagpapataas ng kakayahan ng buong lipunan sa harap ng likas na kapahamakan.

 

Ika-13 National Disaster Prevention and Mitigation Day: Mga pagsasanay sa pangkagipitang kapahamakan, ginaganap sa Tsina_fororder_disaster

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac Ramos

Please select the login method