Liham, ipinadala ni Xi Jinping bilang pagbati sa Forum on People-to-People Friendship ng SCO

2021-06-03 17:03:04  CMG
Share with:

Isang liham na pambati ang ipinadala Huwebes, Hunyo 3, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Forum on People-to-People Friendship ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).
 

Ani Xi, noong nagdaang Nobyembre, iniharap niya ang mungkahi hinggil sa pagtataguyod ng nasabing porum, at masigla naman itong sinuportahan ng iba’t ibang kasapi ng SCO.
 

Nananalig aniya siyang ang pagtitipon ay magsisilbing mahalagang plataporma ng pagpapahigpit ng pag-uunawaan, pagpapalalim ng pagkakaibigan, at pagpapalakas ng kooperasyon ng iba’t ibang panig.
 

Sa ilalim ng temang “pagpapasulong sa people-to-people friendship, pamamana sa diwa ng Shanghai,” binuksan sa Wuhan, Lalawigang Hubei ng Tsina ang naturang porum.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method