Ika-6 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng LMC, idinaos; magkakasamang paglaban sa COVID-19, pinag-usapan

2021-06-09 11:06:17  CMG
Share with:

Ika-6 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng LMC, idinaos; magkakasamang paglaban sa COVID-19, pinag-usapan_fororder_20210609LMC550

Chongqing, Tsina — Idinaos nitong Martes, Hunyo 8, 2021 ang Ika-6 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) na magkasamang pinanguluhan nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Wunna Maung Lwin, Ministrong Panlabas ng Myanmar.

Dumalo sa pulong ang sina Saleumxay Kommasith, Ministrong Panlabas ng Laos; Prak Sokhonn, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Cambodia; Don Pramudwinai, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Thailand; at Bui Thanh Son, Ministrong Panlabas ng Biyetnam.

Ipinagdiinan ni Wang na sa bagong historikal na simula, buong tatag na igigiit ng panig Tsino ang neighbor diplomatic idea na iniharap ni Pangulong Xi Jinping.

Kasama ng mga bansa sa kahabaan ng Ilog Lancang-Mekong, magsisikap aniya ang Tsina para magkakasamang matamasa ang pagkakataon ng pag-unlad, harapin ang mga hamon, at maitatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng mga Lancang-Mekong countries.

Para rito, iniharap ni Wang ang 6 na mungkahing kinabibilangan ng una, pagpapalalim ng kooperasyon sa paglaban sa pandemiya ng COVID-19; ikalawa, magkakasamang pagpapasulong sa pag-ahon pagkatapos ng pandemiya; ikatlo, pagpapalawak sa kooperasyon sa yamang tubig; ika-apat, pagpapasulong sa pragmatikong kooperasyong lokal; ikalima, pagpapasulong sa pag-uugnayan ng mga mamamayan; at ika-anim, pagkumpleto sa mekanismong pangkooperasyon.

Dagdag pa niya, nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng naturang 5 bansa para ibayo pang mapalalim ang pagkakaibigan at pragmatikong kooperasyon.

Ipinalalagay naman ng mga kalahok na nakakatulong ang LMC sa mas mabuting pagharap sa mga hamon.

Ipinahayag nila ang kahandaan tungo sa magkakasamang pagpapanatili ng malakas na tunguhin ng LMC, aktibong pag-uugnay ng kani-kanilang estratehiyang pangkaunalran, pagpapalakas ng konstruksyon ng imprastruktura at konektibidad, at pagpapasulong ng kooperasyon sa mga larangang gaya ng edukasyon at kabataan para maisakatuparan ang win-win na resulta at komong kasaganaan.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method