14℃
Beijing

Dalubhasa ng Kazakhstan: SCO, may malawak na kinabukasan

2021-06-15 16:42:53  CMG
Share with:

Ang Hunyo 15, 2021 ay Ika-20 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).

 

Kaugnay nito, sa kanyang panayam sa China Media Group (CMG), Hunyo 14, 2021, pinapurihan ni Timur Shaimergenov, Pangalawang Direktor ng Library of the First President of Kazakhstan, ang bungang natamo ng SCO nitong nakaraang 20 taon.

Dalubhasa ng Kazakhstan: SCO, may malawak na kinabukasan_fororder_kazakhstan

Tinukoy niya na ang pagtitiwalaan sa pagitan ng mga miyembro ay pundasyon ng SCO.

 

Sinabi pa niyang nitong nakaraang 20 taon, pinataas ng SCO ang pagtitiwalaan sa pagitan ng mga miyembro nito, pinasulong ang multilateral na pagpapalitan at kooperasyon, at matagumpay na isinakatuparan ang nakataktang misyon.

 

Ipinahayag din niya na sa hinaharap, dapat patuloy na patingkarin ng SCO ang bentahe nito sa pamilihan, alisin ang trade barrier at proteksyonismo ng kalakalan, at itayo ang plataporma sa magkakasamang pagtatatag ng “Belt and Road (BR),” para lilikhain ang malawak na kinabukasan para sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng rehiyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Koment( Komento)

Please select the login method