14℃
Beijing

Kapansin-pansing bunga, natamo ng Tsina sa pagkontrol ng pagkadisyerto ng lupa

2021-06-16 15:48:45  CMG
Share with:

Bukas, Hunyo 17, 2021 ay  ika-27 World Day to Combat Desertification.

Kaugnay nito, sapul nang isagawa ang Ika-13 Panlimahang-Taong Plano, pinapalalim ng Tsina ang reporma sa pagpigil at pamamahala sa paglaganap ng disyerto, isinasagawa ang mahigpit na sistema ng pangangalaga sa ekolohiya ng disyerto, at pinapalakas ang pagpigil at paglunas sa pagkadisyerto ng lupa.

Heto ang mga natamong bunga ng Tsina sa larangang ito:

Nitong 5 taong nakalipas, nakumpleto ng Tsina ang misyon ng pagpigil at paglunas sa pagkadisyerto ng 8 milyong ektaryang lupain.

Nitong 5 taong nakalipas, mahigit 2,424 kuwadrado kilometro at 1,980 kuwadrado kilometro ang magkahiwalay na nababawasan bawat taon sa saklaw ng  mga disyertong lupain.

Nitong 5 taong nakalipas, 20.3% ang nababawasan bawat taon sa pagkakaganap ng Sandstorm at maalikabok na panahon.

Nitong 5 taong nakalipas, lumaki ng 0.7% ang pangkalahatang saklaw ng mga kagubatan.

Nitong 5 taong nakalipas, 46 na National Enclosure-Conservation Region of Desertified Land ang naidagdag, at umabot sa 501 libong ektarya ang dagdag sa saklaw ng enclosure-conservation region.

Nitong 5 taong nakalipas, umabot sa 50 ang bilang ng bagong tatag na national desert park ng Tsina, at 99 libong ektarya naman ang karagdagang saklaw ng ganitong mga parke.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method