Ulat hinggil sa bulak ng Xinjiang, inilabas ng Southwest University of Political Science and Law ng Tsina

2021-06-16 16:09:48  CMG
Share with:

Inilabas kamakailan ng Southwest University of Political Science and Law ng Tsina ang ulat ng pananaliksik na pinamagatang “Tainting Xinjiang Cotton Cannot be Tolerated: The Research Report on Whether There Exists “forced labor” in Cotton Production in Xinjiang.”
 

Noong Marso 2021, nagsadya sa Aksu, Kashgar at iba pang lugar ng Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Tsina ang grupo ng pananaliksik ng nasabing unibersidad, para siyasatin ang kalagayan ng produksyon ng bulak.

 

Ang naturang ulat ay binuo, batay sa kanilang pagsisiyasat.
 

Ayon sa grupong ito, kulang na kulang sa batayan ng katotohanan ang pagbatikos ng mga bansang kanluranin sa pagpitas ng bulak sa Xinjiang.
 

Anang ulat, walang nangyayaring “sapilitang pagtatrabaho” sa bawat prosedyur ng produksyon ng bulak ng Xinjiang.
 

Kumpara sa ibang trabaho, kaakit-akit ang pagpitas ng bulak para sa mga mamamayan sa Timog Xinjiang, dahil sa mataas na kitang dulot nito. Hindi lohikal ang pagpapaliwanag ng mga bansang kanluranin sa trabaho ng pagpitas ng bulak sa Xinjiang, dagdag ng ulat.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method