Ika-31 HTF, binuksan: 5,522 uri ng paninda, naka-eksibit

2021-06-16 15:51:46  CMG
Share with:

Sa ilalim ng temang “Technology Empowers New Era, Working Together to Build a New Paradigm,” binuksan sa lalawigang Heilongjiang, dakong hilagang silangan ng Tsina Hunyo 15, 2021, ang Ika-31 Harbin International Economic and Trade Fair (HTF).

Ika-31 HTF, binuksan: 5,522 uri ng paninda, naka-eksibit_fororder_htfharbin

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Akram Zeynalli, Embahador ng Azerbaijian sa Tsina, na ang HTF ay tiyak na maglalatag ng matatag na pundasyon para sa kabuhayan at kalakalan ng Tsina at Azerbaijan.

 

Bilang guest of honor ng ika-31 HTF, itinatag ng Azerbaijan, kasama ng Rusya, Hapon, Timog Korea, at mga bansa ng “Belt and Road Initiative (BRI),” ang 29 na tanghalang birtuwal-realidad  sa HTF.

 

Lumahok sa Ika-31 HTF ang 1,739 na kompanya galing sa 28 bansa at rehiyon.

 

Umabot naman sa 5,522 ang uri ng mga itinatanghal na paninda.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Please select the login method