Shenzhou-12 spacecraft na may lulang 3 astronaut na Tsino, ilulunsad bukas

2021-06-16 16:12:35  CMG
Share with:

Shenzhou-12 spacecraft na may lulang 3 astronaut na Tsino, ilulunsad bukas_fororder_20210616Shenzhou12

Sa news briefing hinggil sa Shenzhou-12 manned space mission Miyerkules, Hunyo 16, 2021 sa Jiuquan Satellite Launch Center, isiniwalat na ilulunsad alas nuwebe beinte dos (9:22) ng umaga, Huwebes, Hunyo 17, 2021 ang Shenzhou-12 spacecraft lulan ang tatlong astronaut na Tsino na sina Nie Haisheng, Liu Boming at Tang Hongbo.
 

Ang naturang misyon ay ang ika-4 sa yugto ng pagsubok sa mga masusing teknolohiya ng space station, at ang kauna-unahang manned space mission sa proseso ng kontrstuksyon ng istasyong pangkalawakan ng Tsina.
 

Sa kasalukuyan, normal ang takbo ng iba’t ibang pasilidad, mainam ang kondisyon ng mga tripulante, at handang-handa na sa kabuuan ang iba’t ibang preparatoryong gawain bago lumunsad.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method