Tsina, kinokondena ang maling pananalita ng UN human rights commissioner kaugnay ng HKSAR at Xinjiang

2021-06-22 17:05:52  CMG
Share with:

Mahigpit na kinondena Hunyo 21, 2021, ni Liu Yuyin, Tagapagsalita ng Misyon ng Tsina sa Tanggapan ng United Nations (UN) sa Geneva, ang maling pananalita ni Michelle Bachelet, Mataas na Komisyoner ng UN sa Karapatang Pantao, kaugnay ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) at Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang.

 

Sa Ika-47 Sesyon ng UN Human Rights Council na binuksan kahapon, sinabi ni Bachelet, na buong higpit na minomonitor ng kanyang tanggapan ang pagpapatupad ng National Security Law sa HKSAR. Umaasa rin aniya siyang magkakaroon kasama ng panig Tsino ng pagkakasundo sa mga pasubali para bumisita sa Tsina, kinabibilangan ng Xinjiang sa loob ng taong ito.

Tsina, kinokondena ang maling pananalita ng UN human rights commissioner kaugnay ng HKSAR at Xinjiang_fororder_unbachelet

Bilang tugon, sinabi ni Liu, na ang mga suliranin kaugnay ng HKSAR at Xinjiang ay mga suliraning panloob ng Tsina, at walang kapangyarihan ang anumang puwersang dayuhan na maki-alam sa mga ito.

 

Ani Liu, tinatanggap ng panig Tsino ang pagbisita ni Bachelet sa Xinjiang at ibang lugar ng Tsina. Pero aniya, ito ay dapat maging mapagkaibigang pagbisita na layong pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang panig, sa halip na “imbestigasyon” na may paunang palagay sa pagkakasala.

 

Pagdating sa HKSAR, sinabi ni Liu na ang National Security Law ay nagbibigay ng institusyonal at legal na garantiya para sa pangmatagalang katatagan at kasaganaan sa HKSAR, at pagpapatupad ng patakarang “Isang Bansa, Dalawang Sistema.”

 

Sinusuportahan ng karamihan sa mga mamamayan ng HKSAR ang batas na ito, dagdag niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Frank

Please select the login method