Sa kanyang talumpati sa maringal na pagtitipun-tipon bilang pagdiriwang sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), solemnang ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na komprehensibo nang naitayo ang may kaginhawahang lipunan.
Pero, ano ang kahulugan ng may kagihawahang lipunan? Ang sagot ay matatagpuan sa normal na pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.
Ang mga etinkong Hezhe ay isa sa 55 minoryang nasyonalidad ng Tsina. Sila ay nabubuhay sa dakong Hilagangsilangan ng bansa.
Noong nakaraan, nakatira lamang sila sa bahay na gawa sa lupa at damo; pero ngayon, mayroon na silang disente, maganda at matibay na bahay.
Ang pagbabago ng pagbahay ng lahing Hezhe, ay naglalarawan sa may kagihawahang lipunan ng Tsina.
Ang nayon ng lahing Hezhe sa lalawigang Heilongjiang ng Tsina
Salin:Sarah
Pulido:Rhio