14℃
Beijing

Delegasyong Tsino, suportado ang Tokyo Olympic Games

2021-07-19 16:56:59  CMG
Share with:

Ipinahayag Hulyo 19, 2021 ng Delegasyong Pampalakasan ng Tsina na sunud-sunod na dumating ang mga miyembro ng delegasyong Tsino sa Hapon para sa 2020 Tokyo Olympic Games.

 

Pinasasalamatan anila ng Tsina ang pagsisikap ng Hapon para maidaos ang 2020 Tokyo Olympic Games.

 

Sinabi pa nilang nakahanda silang magsikap, kasama ng iba’t ibang bansa, para suportahan ang Hapon para maayos na maidaos Olimpiyada.

 

Susundin anila ng Tsina ang iba’t ibang kahilingan ng Tokyo Olympic Games sa paglaban at pagkontrol sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Magsisikap ang Tsina, kasama ng mga delegasyong pampalakasan galing sa iba’t ibang bansa, para magbigay ng ambag para sa Olympic games, anila.

Delegasyong Tsino, suportado ang Tokyo Olympic Games_fororder_tokoy2020

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method