14℃
Beijing

NPC ng Tsina at NA ng Biyetnam, magkasamang magsisikap tungo sa pag-unlad ng komprehensibo’t estratehikong partnership sa bagong siglo

2021-07-21 10:27:56  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala nitong Martes, Hulyo 20, 2021 ni Li Zhanshu, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC)  kay Vuong Dinh Hue bilang pagbati sa kanyang muling panunungkulan bilang Tagapangulo ng Pambansang Asemblea (NA) ng Biyetnam.

Sinabi ni Li na sa kasalukuyan, matatag na sumusulong ang relasyong Sino-Biyetnames, at patuloy na lumalalim ang pagpapalitan at pagtutulungan ng NPC at Pambansang Asemblea ng Biyetnam.

Magsisikap aniya siya, kasama ni Vuong Dinh Hue para makapagbigay ng bagong ambag sa pag-unlad ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa sa bagong siglo.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method