14℃
Beijing

Mga Kabataang Tsino - Arkitekto na nagpapatuloy ng sining ng tradisyonal na arkitekturang Tsino

2021-08-04 17:08:02  CMG
Share with:

 

Namumuhay sa Beijing, si Wang Lihua ay kabilang sa bagong henerasyon ng mga arkitekto, at nahihilig siya sa sining ng tradisyonal na arkitekturang Tsino.

 

Kabilang sa kanyang mga paborito ay hindi lamang ang mga corner tower sa Forbidden City, palasyong imperyal ng sinaunang Tsina, kundi rin ang mga courtyard house o siheyuan, tradisyonal na tirahan sa Beijing.

 

Sa patnubay ng ideyang "isagawa ang pagdedebelop ng lunsod habang pinapangalagaan ang mga makasaysayan at kultural na lugar," itinatampok ni Wang Lihua ang kanyang gawain sa renobasyon ng mga lumang courtyard house.

 

Ayon kay Wang, ang isang priyoridad sa renobasyon ng lumang courtyard house ay pagpapanatili ng mga tradisyonal na elemento ng arkitektura, na gaya ng entrance gate, doorway, screen wall, brick-carving, tile-made rooftop, inner garden, at iba pa.

 

Samantala aniya, dahil ang mga courtyard house ay itinayo maraming taon na ang nakararaan, karaniwang hindi na bagay ang estruktura ng mga ito sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon. Kaya sa panahon ng renobasyon, mahalaga rin ang paglikha ng mga puwang na may iba't ibang punsyon, batay sa mga pangangailangan ng mga residente.

 

Sinabi ni Wang Lihua, na ang tahanan ay hindi lamang bahay ng mga tao, kundi nagpapakita rin ng kultura. Aniya, sa pamamagitan ng kanyang renobasyon sa mga lumang courtyard house, gusto niyang ibigay ang mas maginhawang pamumuhay sa mga tao, at ipamana ang kagandahan ng tradisyonal na arkitekturang Tsino.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
Narrator: Sarah Tian

Koment( Komento)

Please select the login method