Unang pangkat ng bakunang Tsino, dumating ng Bangladesh

2021-08-12 11:48:51  CMG
Share with:

Dumating Martes ng gabi, Agosto 10 (local time), 2021, sa Dhaka, kabisera ng Bangladesh ang mahigit 1.7 milyong dosis ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na kaloob ng Tsina sa pamamagitan ng COVID-19 Vaccine Global Access Facility (COVAX).

Sa paliparan, sinalubong ng mga opisyal ng departamentong pangkalusugan ng Bangladesh ang nasabing mga bakuna.

Ayon sa ulat, ipapadala ang ikalawang pangkat ng bakunang Tsino sa bansa sa loob ng linggo ito.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method