14℃
Beijing

Sinulid sa karayom, isang nakakawiling laro sa Araw ng mga Puso ng Tsina

2021-08-14 15:28:06  CMG
Share with:

 

Ang Agosto 14, 2021 ay ang ikapitong araw ng ikapitong buwan ng Chinese Lunar Calendar, o Nong Li, at dito sa Tsina, ang araw na ito ay kilala rin bilang Double Seventh Festival o 七(qī)夕(xī). Opo, isa ito sa mga pagdiriwang dito sa Tsina, at sa katunayan, ay isang tradisyonal na kapistahan sa bansa.

 

Nitong mga nakalipas na taon, ang Double Seventh Festival ay naging mas kilala bilang Chinese Valentine's Day o Araw ng mga Puso ng Tsina.

 

Pero, alam ba ninyong noong unang panahon, ang Double Seventh Festival ay araw ng pagsamba ng mga kababaihan sa diyosa ng manghahabi, para dulutan sila ng mas mahusay na kakayahan sa pananahi.

 

Batay sa tradisyong ito, may ilang kawili-wiling aktibidad o laro sa Double Seventh Festival, at isa sa mga ito ay ang pagsusu-ot ng sinulid sa mga karayom.

 

Host: Rhio Zablan
Editor: Liu Kai at Sarah Tian
Kalahok: Li Feng at Vera

Koment( Komento)

Please select the login method