14℃
Beijing

Tagapangulo ng IOC, nananabik sa mapanlikha at mas impluwensiyal na pagkokober ng CMG sa Beijing Olympic Winter Games

2021-08-18 16:20:32  CMG
Share with:

Tagapangulo ng IOC, nananabik sa mapanlikha at mas impluwensiyal na pagkokober ng CMG sa Beijing Olympic Winter Games_fororder_20210818ThomasBach

Ipinadala nitong Martes, Agosto 17, 2021 ni Presidente Thomas Bach ng International Olympic Committee (IOC) ang liham kay Shen Haixiong, Presidente at Editor-in-Chief ng China Media Group (CMG), bilang pasasalamat sa ibinibigay na suporta ng CMG sa Olimpiyada.
 

Aniya, buong pananabik niyang inaasahang gagawin ng CMG ang mas mapanlikha at mas impluwensiyal na pagkokober sa Beijing Olympic Winter Games.
 

Sa kanya namang sagot, sinabi ni Shen, na aktibong ginagawa ng CMG ang paghahanda para sa pagkokober ng Beijing Olympic Winter Games, at maayos na pinapasulong ang pagsasahimpapawid ng Olympic channel.
 

Dagdag niya, ang Beijing Olympic Winter Games ay tiyak na magsisilbing pinakamagandang arena kung saan maipapamalas ang pinakahuling bunga ng pag-unlad ng media technology at dibersipikadong pangangailangan ng mga tagasubaybay.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method