14℃
Beijing

Tsina, nagkaloob ng karagdagang 1 milyong dosis ng libreng COVID-19 vaccines sa Pilipinas

2021-08-21 18:07:34  CMG
Share with:

Unang pangkat ng libreng Sinopharm vaccines na kaloob ng Tsina sa Pilipinas, dumating

Tsina, nagkaloob ng karagdagang 1 milyong dosis ng libreng COVID-19 vaccines sa Pilipinas_fororder_239902279_375500627445870_8051879132456878247_n

 

Ipinagkaloob ng Tsina sa Pilipinas ang isang milyong dosis ng libreng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinopharm ng Tsina. Sa pamamagitan ng dalawang pangkat, dumating kahapon at ngayong umaga ang mga ito ng Maynila.

 

Ito ay isa pang donasyon ng bakuna ng Tsina sa Pilipinas, pagkaraan ng naunang isang milyong bakuna ng Sinovac na inihatid sa Pilipinas noong nagdaang Pebrero 28.

 

Sa video teleconference bilang pagtanggap sa unang pangkat ng mga bakuna na idinaos kagabi at nilahukan nina Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas at Kalihim Francisco Duque III ng Kagawaran ng Kalusugan, ipinarating ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahalaga ang mga ito para sa paglaban ng Pilipinas sa COVID-19.

 

Dagdag niya, ang mga tulong ng Tsina sa Pilipinas sa panahon ng pandemiya na kinabibilangan ng mga bakuna, materyal na medikal, at teknikal na tulong, ay nagpapakita ng mabuting hangarin ng pamahalaang Tsino at malakas na relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

 

Sa pamamagitan ni Embahador Huang, nais ding iparating ni Duterte ang pasasalamat kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina para sa pinakahuling donasyong ito.

 

Sinabi naman ni Huang, na patuloy na makikipagkooperasyon ang Tsina sa Pilipinas, at magkakaloob ng karagdagang mga bakuna, para tulungan ang bansa sa pananaig ng COVID-19 at pagbangon ng kabuhayan.

 

Sa kasalukuyang mahirap na panahon ng pandemiya, lubos na ipinakikita ang kahalagahan ng pagkakaibigan at pagiging magkatuwang ng Tsina at Pilipinas at mga mamamayan ng dalawang bansa, diin din niya.

 

Samantala, kasama ng mga libreng bakuna, dumating din ngayong umaga ng Maynila ang isang milyong dosis ng bakuna ng Sinovac na binili ng pamahalaang Pilipino mula sa Tsina.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Koment( Komento)

Please select the login method