14℃
Beijing

Taliban: impormasyon sa bagong pamahalaan, isasapubliko sa malapit na hinaharap

2021-08-23 16:08:00  CMG
Share with:

Ayon sa ulat ng Tolo TV ng Afghanistan, ipinahayag Agosto 22 (local time), 2021, ni Zabihullah Mujahid, Tagapagsalita ng Taliban, na kasalukuyang nakikipag-usap ang Taliban sa ilang politiko ng bansa, at inaasahang maisasapubliko ang mga impormasyon hinggil sa pagbuo ng bagong pamahalaan sa malapit na hinaharap.

 

Samantala, ipinahayag naman ng ilang pulitko ng bansa na hindi pa malalimang natalakay ang tungkol sa pagbuo ng bagong pamahalaan.

 

Ipinalalagay ng ilang lider ng Afghanistan na hindi malawak at kulang sa pagka-inklusibo ang kasalukuyang koordinasyon.

Taliban: impormasyon sa bagong pamahalaan, isasapubliko sa malapit na hinaharap_fororder_taliban

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

 

Koment( Komento)

Please select the login method