14℃
Beijing

Mga climate envoy ng Tsina at Amerika, magsasagawa ng face-to-face talks

2021-08-31 12:33:51  CMG
Share with:

Ayon sa impormasyong ibinahagi ng Ministri ng Kapaligiran ng Tsina, sa paanyaya ng panig Tsino, dadalaw sa Tsina si John Kerry, Espeyal na Sugo ng Pangulong Amerikano sa Klima, mula ika-31 ng Agosto hanggang ika-3 ng Setyembre, 2021.
 

Sa panahon ng pagdalaw, mag-uusap sa Tianjin sina Kerry at Xie Zhenhua, Espesyal na Sugo ng Tsina sa mga Suliranin ng Pagbabago ng Klima, para magpalitan ng kuru-kuro hinggil sa kooperasyon ng Tsina at Amerika sa pagbabago ng klima, ika-26 na sesyon ng Konperensya ng mga Signataryong Panig ng United Nations Framework Convention on Climate Change, at iba pang paksa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Koment( Komento)

Please select the login method