14℃
Beijing

Pagbuo ng bagong pamahalaang sa Afghanistan, pinagpulungan ng Taliban

2021-09-01 10:40:53  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Agosto 31, 2021 ni Zabihullah Mujahid, Tagapagsalita ng Taliban, na kasalukuyang nagpupulong sa Kandahar ang kanilang mga opisyal para talakayin ang tungkol sa pagbuo ng pamahalaan.

Sinabi ni Mujahid na ngayo’y nahaharap ang Afghanistan sa mga hamong ekonomiko, at dapat lumahok ang mga negosyanteng Afghan at mamumuhunan sa paglutas sa mga problemang ito.

Sa kabila nito, ipinahayag niyang nakahanda ang Afghanistan na paunlarin ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa iba’t-ibang bansa sa daigdig na kinabibilangan ng Amerika.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method