14℃
Beijing

Mataas na opisyal ng Taliban: tropang Amerikano, tunay na sumira sa Afghanistan

2021-09-01 11:25:47  CMG
Share with:

Mataas na opisyal ng Taliban: tropang Amerikano, tunay na sumira sa Afghanistan_fororder_20210901paliparan600

Sa isang eksklusibong panayam sa China Media Group (CMG), ipinahayag Agosto 31, 2021 ni Anas Haqqani, mataas na lider ng Taliban, na nitong 20 taong nakalipas, parating inihahayag ng tropang Amerikano na pinapaslang ng Taliban ang mga sibilyang Afghan, at intensyonal nitong isinasagawa ang negatibong propaganda.

Ngunit sa katotohanan, ang tropang Amerikano ang tunay na sumisira sa bansa, ani Anas.

Ipinahayag niyang kitang-kita ng lahat ang kalagayan ng pagkasira sa paliparan sa Kabul, at batid din ng lahat kung anong uri ng situwasyon ang iniwanan ng mga tropang Amerikano sa paliparang ito.

Sapul ang pumasok ang Taliban sa Kabul, hindi nito sinira ang anumang lugar, diin pa niya.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method