14℃
Beijing

Pangulong Tsino, nagtalumpati sa seremoniya ng pagbubukas ng 6th Eastern Economic Forum

2021-09-03 16:48:53  CMG
Share with:

Sa paanyaya ni Pangulong Viladmir Putin ng Rusya, sa pamamagitan ng video link, lumahok at nagtalumpati ngayong araw, Setyembre 3, 2021, dito sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa seremoniya ng pagbubukas ng Ika-6 na Eastern Economic Forum.

Pangulong Tsino, nagtalumpati sa seremoniya ng pagbubukas ng 6th Eastern Economic Forum_fororder_07pangulongxi

Ang porum na ito ay itinaguyod ni Putin noong 2015. Ito ay mahalagang hakbangin ng Rusya upang pasulungin ang kooperasyon sa rehiyong far east.

 

Mabunga ang kooperasyon ng Tsina at Rusya nitong ilang taong nakalipas. Sa kasalukuyan, ang Tsina ay naging pinakamalaking trade partner at pinakamalaking bansa na pinagmumulan ng puhunang dayuhan ng Rusya sa rehiyong far east.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Koment( Komento)

Please select the login method