14℃
Beijing

Mga Kabataang Tsino - Manlalaban sa Sunog

2021-09-03 23:51:42  CMG
Share with:

 

“Bilang bumbero, dapat paulit-ulit naming isagawa ang pisikal at propesyonal na pagsasanay, para, sa sandaling may sunog, mas maaga naming mararating ang lugar na pinangyayarihan at mas maagang ma-a-apula ang sunog.”

 

Ito ang winika ni Lu Qingwei, 30-taong gulang na bumbero sa isang fire and rescue detachment sa Beijing, Tsina.

 

Naging bumbero si Lu noong 2009.

 

Nakasuot ng unipormeng kulay asul na tinatawag na "asul ng liyab," 12-taon na siyang nasa prontera ng paglaban sa sunog.

 

Sinabi ni Lu, na kailangan ng mga bumberong magsanay araw-araw, dahil ito ay pinanggagalingan ng kanilang kompiyansa at lakas-loob para sa pagharap sa anumang panganib.

 

Aniya, sa mga pagsasanay, pinakamahalaga ang live drill, dahil pareho ito sa tunay na misyon.

 

Sa sandaling marinig ang sirena, batid ng mga bumberong may mga taong nasasadlak sa panganib, at agaran silang kumikilos sa pinakamabilis na reaksyon.

 

Ayon kay Lu, sa loob ng 12 taon, lumahok siya sa mahigit 2000 misyon.

 

Sa mga ito, ang pinakamapanganib ay ang napakalaking sunog na naganap sa isang shopping mall noong Oktubre 11, 2013, at hanggang sa kasalukuyan, hindi niya makalimutan ang tungkol dito.

 

Mahigit 8 oras tumagal ang naturang sunog, bago ito ma-apula, at nasunog ang halos 1500 metro-kuwadradong lugar.

 

Sinabi ni Lu, na pagkaraan niyang makapasok sa nasusunog na shopping mall, nahiwalay siya sa mga kasamahan dahil sa makapal na usok, at napag-isa siya.

 

Bagama't handa na siyang magbuwis ng buhay, nakaligtas siya sa bandang huli.

 

Pero, minalas ang dalawa niyang nakatatandang kasamahan, at hindi sila nakabalik.

 

Ayon kay Lu, madalas siyang tinatanong kung natatakot siya sa harap ng sunog. Sagot niya, ang nasa isip niya lamang ay kung paano iligtas ang mga tao at patayin ang sunog, kaya wala siyang panahon para matakot.

 

Bilang full time na bumbero, laging handang magsilbi si Lu, at kakaunti lang ang kanyang panahon kasama ng pamilya.

 

Pero, sinabi niyang suportado pa rin siya ng mga kapamilya, dahil ang pagiging bumbero ay isang trabahong may malaking responsibilidad.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan
Narrator: Sarah Tian

Koment( Komento)

Please select the login method