14℃
Beijing

Hukbo ng Guinea, dinakip si Pangulong Gonde: kondemnasyon, ipinahayag ng mga organisasyong pandaigdig

2021-09-06 16:06:46  CMG
Share with:

Ipinatalastas ni Koronel Mamadi Doumbouyas, Setyembre 5, 2021, sa Pambansang Istasyon ng Telebisyon ng Guinea ang pagsamsam sa kapangyarihan sa bansa, at pagdakip kay Pangulong Alpha Gonde.

 

Aniya, buwag na ang pamahalaan ng Guinea, at isang linggong isasara ang hanggahang panlupa ng bansa.

 

Sinabi rin niyang itatatag ang “Komisyon ng Magkakasamang Pag-unlad ng Bansa” para “isakatuparan ang matatag na transisyon ng pulitikal na kapangyarihan” sa Guinea.

 

Kaugnay nito, ipinalabas ng United Nations (UN), Unyong Aprikano (AU), Economic Community of West African States (ECOWAS) at iba pang organisasyong pandaigdig ang kondemnasyon sa anumang aksyon ng pagsamsam sa kapangyarihan sa pamamagitan ng karahansan.

 

Hiniling din nila ang agarang pagpapalaya kay Pangulong Gonde.

Hukbo ng Guinea, dinakip si Pangulong Gonde: kondemnasyon, ipinahayag ng mga organisasyong pandaigdig_fororder_guinea

Salin: Sarah

Pulido:Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method