14℃
Beijing

Tagapagsalita ng Taliban, inaasahan ang mabuting pakikipagsanggunian sa labas sa pamamagitan ng media ng Tsina

2021-09-06 10:49:14  CMG
Share with:

Tagapagsalita ng Taliban, inaasahan ang mabuting pakikipagsanggunian sa labas sa pamamagitan ng media ng Tsina_fororder_20210906Taliban600

Sa isang eksklusibong panayam sa China Media Group (CMG) nitong Setyembre 5 (local time), 2021, inilahad ni Zabiullah Mujahid, Tagapagsalita ng Taliban, ang tungkol sa situwasyong panseguridad sa loob ng bansa, patakarang diplomatiko, at iba pang isyung binibigyan ng pansin ng iba.

Nang mabanggit ang pakikipagkoneksyon sa daigdig, ipinahayag ni Mujahid ang mainit na pagtanggap ng Taliban sa mga media ng Tsina na gaya ng CMG.

Umaasa aniya siyang magkakaroon ng mabuting pakikipagsanggunian sa labas ang Taliban ng Afghanista sa pamamagitan ng media ng Tsina.

Ipinagdiinan niya na buong sikap na pinapabuti ng kanyang organisasyon ang kapaligirang pampamamahayag sa Afghanistan.

Umaasa rin siyang malalaman ng mga media ang mga batas na dapat sundin sa loob ng bansang ito.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method