14℃
Beijing

Wang Yi, bibiyahe sa Biyetnam, Cambodia, Singapore at Timog Korea

2021-09-08 09:24:23  CMG
Share with:

Isasagawa ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang byahe sa Biyetnam, Cambodia, Singapore at Timog Korea mula Setyembre 10 hanggang 15. Ipinatalastas ito nitong Setyembre 7, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina. Ang mga byahe ay isasagawa sa paanyaya nina Pangalawang Punong Ministro Pham Binh Minh at Ministrong Panlabas Bui Thanh Son ng Biyetnam, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas Prak Sokhonn ng Cambodia, Ministrong Panlabas Vivian Balakrishnan ng Singapore, at Ministrong Panlabas Chung Eui yong ng Timog Korea.

Samantala, magkasamang pangunguluhan nina Wang at Pham Binh Minh ang Ika-13 Pulong ng Komisyong Pampatnubay sa Bilateral na Kooperasyong Sino-Biyetnames, ani Wang.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Koment( Komento)

Please select the login method