14℃
Beijing

Nominasyon sa pagka-pangalawang-pangulo sa 2022 elections, tinanggap ni Duterte

2021-09-09 11:27:34  CMG
Share with:

Pormal na inindorso nitong Miyerkules, Setyembre 8, 2021 ng PDP-Laban, naghaharing partido ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang kandidato sa pagka-pangalawang-pangulo sa pambansang halalan sa susunod na taon.
 

Sa kanyang pagtanggap, pinasalamatan ni Duterte ang paniniwala, suporta at nominasyon ng kanyang partido.
 

Aniya, gusto niyang patuloy na paglingkuran ang mga mamamayang Pilipino, at tumulong sa bansa upang makamtan ang mas malaking progreso.
 

Samantala, si Senador Christopher Go, dating asistente ni Duterte, ang inindorso bilang kandidato sa pagkapangulo.
 

Tinanggihan ni Go ang nominasyon.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method