14℃
Beijing

46, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland Setyembre 11: 20, domestikong kaso mula sa lalawigang Fujian

2021-09-12 13:14:13  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 46 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Sabado, Setyembre 11, 2021.

Kabilang dito, 26 ang galing sa ibang bansa, at 20 iba pa ay domestikong kaso mula sa probinsyang Fujian (19 sa lunsod Putian, at 1 sa lunsod Quanzhou).

Hanggang magha-hating gabi ng Setyembre 11, ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland ay 740.

Samantala, 4,636 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method