14℃
Beijing

Relasyong pangkaibigan ng Afghanistan at Qatar, inaasahan

2021-09-13 11:12:50  CMG
Share with:

Relasyong pangkaibigan ng Afghanistan at Qatar, inaasahan_fororder_20210913Afghan600

Kabul, kabisera ng Afghanistan — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Setyembre 12, 2021 kay Mohammed bin Abdulrahman Al-Thani, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Qatar, ipinaabot ni Mullah Muhammad Hassan Akhund, umaaktong Punong Ministro ng pansamantalang pamahalaang Afghan, ang pasasalamat sa ibinibigay na tulong at suporta ng Qatar sa mga mamamayang Afghan sa proseso ng paghahanap ng kapayapaan at katatagan ng bansa.

Ipinahayag naman ni Al-Thani ang pag-asang mapapanatili ang mapagkaibigang relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method