14℃
Beijing

Xi Jinping, kinamusta ang mga opisyal at sundalo ng “model plateau battalion”

2021-09-14 15:56:59  CMG
Share with:

Sa kanyang liham bilang sagot sa lahat ng mga opisyal at sundalo ng “model plateau battalion” kamakailan, ipinaabot ni Xi Jinping, Tagapangulo ng Central Military Commission ng Partido Komunista ng Tsina at Pangulo ng bansa, ang taos-pusong pangungumusta sa kanila.
 

Hinangaan ni Xi ang namumukod na serbisyo nila sa pagtatanggol sa teritoryo ng bansa sa purok-hanggahan, sa kabila ng napakahirap na kondisyon.
 

Umaasa aniya siyang palalaganapin ng mga opisyal at sundalo ang magandang tradisyon, palalakasin ang pagsasanay, matapat at mainam na isasabalikat ang tungkulin sa pangangalaga sa purok-hanggahan, at lilikha ng panibagong ambag para sa partido at mga mamamayan.
 

Noong Agosto ng 2016, ang military unit na nakatalaga sa maniyebeng talampas ng Qinghai-Tibet, na nasa 4,800 metro sa taas ng lebel ng dagat, at lugar na dumaranas ng temperaturang -40C, ay ginawaran ni Xi ng karangalang “model plateau battalion.”
 

Ipinadala kamakailan ng mga opisyal at sundalo ng nasabing yunit ang liham kay Xi, para iulat ang kalagayan ng kanilang gawain nitong nakalipas na 5 taon.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Koment( Komento)

Please select the login method