14℃
Beijing

Madalas na diyalogo, isasagawa ng Tsina at Amerika para pasulungin ang kooperasyon

2021-09-14 17:19:06  CMG
Share with:

Sa online meeting ng Ika-12 Diyalaogo ng mga Partido ng Tsina at Amerika na idinaos nitong Setyembre 13, 2021, ipinahayag ni Song Tao, Ministro ng Internasyonal na Departamento ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na tinukoy ng muling pag-uusap sa telepono kamakailan nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika ang direksyon ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap. Dapat isakatuparan ng Tsina at Amerika ang mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, palakasin ang diyalogo, tumahak sa magkaparehong direksyon, para likhain ang kondisyon para sa pagbalik ng relasyong Sino-Amerikano sa tumpak na landas ng matatag na pag-unlad.

Madalas na diyalogo, isasagawa ng Tsina at Amerika para pasulungin ang kooperasyon_fororder_中美政党

Samantala, ipinahayag nina Howard Dean, dating Chairman ng U.S. Democratic National Committee, at Carla Hills, dating U.S. Trade Representative, kinatawan ng Partido Republikano, na ang diyalogo ng mga partido ng Tsina at Amerika ay napakahalagang bahagi ng relasyon ng dalawang bansa, pinakaimportanteng bilateral na ugnayan sa buong mundo.

 

Anila pa, dapat mas madalas na isagawa ang diyalogo sa mataas na antas, para pabutihin ang pagtitiwalaan, pasulungin ang kooperasyon at pag-unlad ng kapuwang dalawang bansa, para magkasamang harapin ang mga hamong pandaigdig.

 

Magkakasamang itinaguyod ang diyalogong ito ng Internasyonal na Departamento ng Komite Sentral ng CPC at Partido Demokratiko at Partido Republikano ng Amerika.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Koment( Komento)

Please select the login method