14℃
Beijing

Pagtatatag ng sarado at eksklusibong “clique,” taliwas sa tunguhin ng siglo — tagapagsalitang Tsino

2021-09-15 10:31:24  CMG
Share with:

Magkakasamang idaraos sa susunod na linggo ng mga lider ng Amerika, Australia, India, at Hapon ang “Diyalogong Panseguridad ng Apat na Panig” para talakayin ang mga isyung gaya ng pagharap sa impluwensiya ng Tsina sa rehiyong Asya-Pasipiko.

Kaugnay nito, ipinahayag Setyembre 14, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagtatatag ng sarado at eksklusibong “clique” na nakatuon sa ibang bansa ay taliwas sa tunguhin ng siglo at mithiin ng mga bansa sa rehiyong ito.

Tiyak itong magbibigo, diin niya.

Tinukoy pa niyang ang Tsina ay hindi lamang pangunahing puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayan sa rehiyong Asya-Pasipiko, ito rin ay matatag na tagasuporta ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Ang pag-unlad ng Tsina ay paglaki ng puwersang pamayapa sa buong mundo, mariing pahayag ni Zhao.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method