China-SCO news sharing platform, inilunsad ng CMG

2021-09-16 17:18:41  CMG
Share with:

China-SCO news sharing platform, inilunsad ng CMG_fororder_微信图片_20210916164832

 

Sa pagtataguyod ng China Media Group (CMG), inilunsad ngayong araw, Setyembre 16, 2021, ang plataporma ng pagbabahagi ng mga balita sa pagitan ng mga media ng Tsina at mga kasaping bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).

 

China-SCO news sharing platform, inilunsad ng CMG_fororder_微信图片_20210916164823

 

Lumahok sa online na seremonya ng paglulunsad sina Presidente Shen Haixiong ng CMG, Pangkalahatang Kalihim Vladimir Norov ng SCO, at mga namamahalang tauhan ng mga media ng iba't ibang kasaping bansa ng organisasyong ito.

 

China-SCO news sharing platform, inilunsad ng CMG_fororder_微信图片_20210916164829

 

Layon ng platapormang itong pasulungin ang pagbabahagi ng mga yaman ng media, pagtutulungan sa paggawa ng balita, at pagdaraos ng mga aktibidad pangmedia, sa pagitan ng mga miyembro, bansang tagamasid, at dialogue partner ng SCO.

 

Kalahok sa platapormang ito ang 35 media ng iba't-ibang may-kinalamang panig.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan

Please select the login method