14℃
Beijing

Intelihente at magagandang “panda bus,” naisaoperasyon sa Tsina

2021-09-16 10:28:33  CMG
Share with:

Intelihente at magagandang “panda bus,” naisaoperasyon sa Tsina_fororder_20210916panda3600

Pormal na naisaoperasyon kamakailan sa isang bus station sa lunsod Linfen, lalawigang Shanxi ng Tsina, ang unang pangkat ng magaganda at intelihenteng panda bus.

Intelihente at magagandang “panda bus,” naisaoperasyon sa Tsina_fororder_20210916panda4600

Dahil dito, ang Linfen ay naging isa sa mga unang lunsod ng Shanxi kung saan inilunsad ang panda bus.

Intelihente at magagandang “panda bus,” naisaoperasyon sa Tsina_fororder_20210916panda1600

Ayon sa isang trabahante sa kompanya ng bus, kumpleto ang pungsyon ng mga panda bus, nagtataglay ng modernong teknolohiya at intelihente.

Intelihente at magagandang “panda bus,” naisaoperasyon sa Tsina_fororder_20210916panda7600

Ang mga panda bus ay klasipikado bilang e-bus, kaya naman, ang mga ito ay may mababang bakas ng karbon, at marahan sa kapaligiran.

Ayon sa nagawang pangako ng Tsina sa larangan ng klima, mahigpit na lilimitahan ang paggamit ng karbon, at isasakatuparan ang peak carbon emissions sa taong 2030 at carbon neutrality sa taong 2060.

Intelihente at magagandang “panda bus,” naisaoperasyon sa Tsina_fororder_20210916panda2600

Bukod diyan, ang mga ito ay mayroon ding face recognition system.

Intelihente at magagandang “panda bus,” naisaoperasyon sa Tsina_fororder_20210916panda6600

Sa pagsakay sa panda bus, maaaring gamitin ng mga pasahero ang mga e-payment na platapormang tulad ng Wechat at Alipay para sa pagbabayad ng pasahe.

Intelihente at magagandang “panda bus,” naisaoperasyon sa Tsina_fororder_20210916panda5600

Dahil dito, napakakombinyente ng pagsakay sa mga ito.

Intelihente at magagandang “panda bus,” naisaoperasyon sa Tsina_fororder_20210916panda8600

Ilan pa sa mga taglay na kakayahan ng panda bus ay ang pagkakaroon ng mga basurahan, upang panatilihing malinis ang kapaligiran; automatic detection system para sa mga delikado at nakakalasong kemikal; at espesyal na lugar para sa mga matatanda, estudyante sa elementarya, at mga may-kapansanan.

Salin: Lito
Pulido: Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method