14℃
Beijing

Ngayong Araw sa Kasaysayan: Ika-90 Anibersaryo ng Sept18 Incident; wag kalimutan ang kasaysayan at harapin ang kinabukasan

2021-09-18 10:08:54  CMG
Share with:

Ngayong Araw sa Kasaysayan: Ika-90 Anibersaryo ng Sept18 Incident; wag kalimutan ang kasaysayan at harapin ang kinabukasan_fororder_20210918Gunita600

Ngayong araw, Setyembre 18, 2021 ay Ika-90 Anibersaryo ng Sept 18 Incident.

Ngayong araw ay ang ika-90 anibersaryo ng binansagang Sept. 18 Incident. Noong Setyembre 18, 1931, sinimulan ng Tsina ang 14 na taong pakikibaka laban sa pananalakay ng mga mananakop na Hapones.

Ang Sept 18 Incident (tinagawag na Mukden Incident ng Hapon), ay tumutukoy ng isang sagupaang militar at insidenteng pulitikal na sumiklab sa dakong hilagang silangan ng Tsina noong Setyembre 18, 1931. Ang tropang Tsino na nakatalaga sa hilagang silangan at Japanese Kwantung Army ang dalawang nagsagupaang panig. Matapos na sumiklab ang Sept 18 Incident, ibayo pang lumala ang kontradiksyon sa pagitan ng Hapon at Tsina. Sa Hapon, tumaas ang katayuan ng puwersang nanindigan ng pananalakay sa Tsina, sa gayo’y nakatahak ang Hapon sa landas ng komprehensibong pagsalakay sa Tsina.

Sa loob ng ilang taon pagkaraan ng nasabing insidente, sinakop ng Japanese Kwantung Army ang kabuuang teritoryo ng tatlong probinsya ng hilagang silangan ng Tsina. Hanggang sa ngayon, tinatagurian pa ito ng mga mamamayang Tsino bilang “National Humiliation Day.”

Noong gabi ng Setyembre 18, 2021, boluntaryong binomba ng Kwantung Army, mapanalakay na tropang Haponesa sa Tsina, ang bahagi ng South Manchuria Railway na malapit sa Ilog Liutiao sa Shenyang. Ngunit inakusahan nila ang tropang Tsino sa pagsisira sa nasabing daam-bakal. Sa katuwirang ito, biglang sinalakay ng Kwantung Army ang Beidaying at lunsod ng Shenyang kung saan itinalaga ng mga tropang Tsino. Sa loob ng ilang araw pagkatapos nito, sinakop ng tropang Hapones ang mahigit 20 lunsod at malawak na karatig na lugar. Ito ang “Sept 18 Incident” o “Mukden Incident” na ikinagulat ng Tsina at buong daigdig sa panahong iyon.

Noong Marso ng 1932, sa suporta at tulong ng Japanese Imperialism, naitatag sa Changchun ang puppet regime na tinatawag na “State of Manchukuo.” Mula rito, binago ng Japanese Imperialists ang hilagang silangang Tsina bilang eksklusibong kolonya nito, at komprehensibo nitong pinalakas ang opresyong pulitikal, panloloob na ekonomiko, at pang-aliping kultural. Resulta nito, dinanas ng mahigit 30 milyong kababayang Tsino ang napakalaking tiisin at nakapahirap na pamumuhay.

Napasigla ng Sept 18 Incident ang kagalitan ng lahat ng mga mamamayang Tsino laban sa Hapon. Magkakasunod na hiniling ng mga mamamayan sa iba’-ibang lugar ng bansa na labanan ang Hapon at tinutulan nila ang isinagawang non-resistance policy ng pamahalaan ng Kuomintang.

Sa pamumuno at impluwensiya ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), nagsagawa ang mga mamamayan sa Northeast China ng anti-Japanese guerilla warfare, at magkakasunod na nabuo ang iba’t-ibang uri ng sandatahang puwersa laban sa Hapon na tulad ng Northeast Volunteers.

Noong Pebrero ng 1936, muling nabuo at inire-organisa ang lahat ng tropa laban sa Hapon na naging Anti-Japanese Amalgamated Army of the Northeast.

Matapos ang July 7 Incident, 1937, ibayo pang isinagawa ng Amalgamated Army kasama ng malawak na masa ng mga mamamayan, ang malawak at pangmatagalang pakikipagdigma laban sa Hapon, bagay na puwersang nakipagtulungan sa pakikipaglaban sa pananalakay ng Hapon sa buong bansa na pinamunuan ng CPC, at natamo ang tagumpay ng digmaang ito laban sa Hapon sa wakas.

Captions:

Ngayong araw sa kasaysayan: Sept 18 Incident o Mukden Incident, simula ng digmaan laban sa pasist sa kasilanganan_fororder_20210918Septnew3600

Noong Setyembre 18, 1931, biglang sinalakay sa gabi ng Japanese Kwantung Army ang Beidaying at lunsod Shenyang na sumagisag ng pagsiklab ng Sept 18 Incident. Sa litrato ay ang mga sundalong Hapones sa loob ng Shenyang City.

Ngayong araw sa kasaysayan: Sept 18 Incident o Mukden Incident, simula ng digmaan laban sa pasist sa kasilanganan_fororder_20210918sept12600

Noong gabi ng Setyembre 18, 1931, boluntaryong binomba ng Japanese Kwantung Army ang isang bahagi ng South Manchuria Railway na malapit sa Ilog Liutiao sa Shenyang, ngunit inakusahan nila ang tropang Tsino sa pagsisira sa nasabing daam-bakal. Ito ang tinatawag na “Liutiao Lake Incident.” Sa katuwirang ito, biglang sinalakay ng Kwantung Army ang Beidaying at lunsod Shenyang kung saan itinalaga ng mga tropang Tsino na lumikha ng Sept Incident na ikinagulat ng Tsina at buong mundo. Sa litrato ay ang mga perjury na nilikha ng Japanese Kwantung Army.

Ngayong araw sa kasaysayan: Sept 18 Incident o Mukden Incident, simula ng digmaan laban sa pasist sa kasilanganan_fororder_20210918Septnew1600

Noong Setyembre 18, 1931, sinalakay ng Kwantung Army ang Beidaying at lunsod Shenyang at inilunsad ang “Sept 18 Incident.” Sa litrato’y itinaas ng tropang Hapones ang pambansang watawat ng Hapon sa Beidaying.

Ngayong araw sa kasaysayan: Sept 18 Incident o Mukden Incident, simula ng digmaan laban sa pasist sa kasilanganan_fororder_20210918sept8600

Pook na pinangyarihan ng pagbobomba ng South Manchuria Railway na nilikha ng tropang Hapones.

Ngayong araw sa kasaysayan: Sept 18 Incident o Mukden Incident, simula ng digmaan laban sa pasist sa kasilanganan_fororder_20210918sept5600

Ang napatay sa litrato ay biktima ng sabuwatang binomba ang South Manchuria Railway.

Ngayong araw sa kasaysayan: Sept 18 Incident o Mukden Incident, simula ng digmaan laban sa pasist sa kasilanganan_fororder_20210918sept13550

Noong Setyembre 19, 1931, lumipat sa Shenyang mula LvShun ang komander ng Japanese Kwantung Army. Sa litrato ay si Shigeru Honjō, Komandor ng Japanese Kwantung Army sa harapan ng komand.

Ngayong araw sa kasaysayan: Sept 18 Incident o Mukden Incident, simula ng digmaan laban sa pasist sa kasilanganan_fororder_20210918sept9600

Ngayong araw sa kasaysayan: Sept 18 Incident o Mukden Incident, simula ng digmaan laban sa pasist sa kasilanganan_fororder_20210918sept4600

Matapos ang Sept 18 Incident, pumasok sa Shenyang ang tropang Hapones.

Ngayong araw sa kasaysayan: Sept 18 Incident o Mukden Incident, simula ng digmaan laban sa pasist sa kasilanganan_fororder_20210918sept7550

Buong tikis na inaresto ng tropang Hapones ang mga reisdente sa Shenyang.

Ngayong araw sa kasaysayan: Sept 18 Incident o Mukden Incident, simula ng digmaan laban sa pasist sa kasilanganan_fororder_20210918sept12650

Noong Setyembre 21, 1931, sinalakay at pinasok ng tropang Hapones ang lunsod Jilin.

Ngayong araw sa kasaysayan: Sept 18 Incident o Mukden Incident, simula ng digmaan laban sa pasist sa kasilanganan_fororder_20210918sept6600

Pumasok ang armored vehicle ng Hapon sa Shenyang.

Ngayong araw sa kasaysayan: Sept 18 Incident o Mukden Incident, simula ng digmaan laban sa pasist sa kasilanganan_fororder_20210918sept3600

Sa loob ng apat na buwan lang makaraang sumiklab ang Sept 18 Incident, sinakop ng tropang Hapones ang kabuuang teritoryo ng Northeast China.

Ngayong araw sa kasaysayan: Sept 18 Incident o Mukden Incident, simula ng digmaan laban sa pasist sa kasilanganan_fororder_20210918sept11600

Matapos na sumiklab ang Sept 18 Incident noong 1931, isinagawa ng mga mamamayan sa iba’t-ibang sirkulo ng lipunan ng Northeast China ang mga aktibidad sa iba’t-ibang porma para labanan ang Hapon.

Ngayong araw sa kasaysayan: Sept 18 Incident o Mukden Incident, simula ng digmaan laban sa pasist sa kasilanganan_fororder_20210918sept10550

Matapos na sumiklab ang Sept 18 Incident noong 1931, lumitaw sa mga kalsada sa Shenyang ang maraming anti-Japanese picture posters.

Ngayong araw sa kasaysayan: Sept 18 Incident o Mukden Incident, simula ng digmaan laban sa pasist sa kasilanganan_fororder_20210918sept1600

Noong Setyembre 23, 1931, idinaos sa Hangzhou ang aktibidad bilang paglaban sa Hapon at pagligtas sa estado. Kalahok dito ang mahigit 100 libong mamamayang Tsino.

Ngayong araw sa kasaysayan: Sept 18 Incident o Mukden Incident, simula ng digmaan laban sa pasist sa kasilanganan_fororder_20210918Septnew2600

Matapos ang Sept 18 Incident, idinaos sa Nanjing ang malawakang demonstrasyon laban sa Hapon.

Ngayong araw sa kasaysayan: Sept 18 Incident o Mukden Incident, simula ng digmaan laban sa pasist sa kasilanganan_fororder_20210918sept2600

Sa litrato ay si Seishirō Itagaki, Heneral ng Hukbong Hapones na nakipagsabwatan sa “Sept 18 Incident.”

Salin: Lito

Pulido: Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method