14℃
Beijing

Embahador ng Pransya sa Amerika at Australia, ipinatawag pabalik

2021-09-18 15:54:45  CMG
Share with:

Sa kautusan ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, ipinasiya ni Ministrong Panlabas Jean-Yves Le Drian na agarang pauwiin ang mga embahador ng Pransya sa Amerika at Australia para sa pagsasanggunian, kaugnay ng “napakamalubhang” isyung ginawa Setyembre 15, 2021, ng naturang dalawang bansa.

 

Ayon sa pahayag na inilabas ng Pransya, “di-katanggap-tanggap” ang biglaang pagtatakwil ng Australia sa proyekto ng kasunduan tungkol sa mga nuclear-powered na submarino.

 

Matatandaang ang Australia ay may kasunduan sa Pransya kaugnay ng mga nuclear-powered na submarino simula pa noong taong 2016.

 

Dagdag ng pahayag, ang hakbang na ito ay direktang makaka-apekto sa relasyon ng Pransya at Australia bilang magkasangga at magkapartner.

 

Samantala, sinabi Setyembre 17, 2021, ni Ned Price, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, na umaasa ang kanyang bansang matatalakay ang isyung ito, kasama ng Pransya sa panahon ng Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UN) sa darating na ilang araw.

 

Nauna rito, ipinatalastas Setyembre 15, 2021, ng Amerika, Britanya, at Australia na itatatag ang bagong trilateral na partnership.

 

Alinsunod dito, susuportahan ng Amerika at Britanya ang hukbong pandagat ng Australia upang magkaroon ito ng mga nuclear-powered na submarino.

Embahador ng Pransya sa Amerika at Australia, ipinatawag pabalik_fororder_01france

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method