14℃
Beijing

Seremonya ng pagpapatunog ng kampana, idinaos ng Tsina sa ika-90 anibersaryo ng Insidente ng Setyembre 18

2021-09-19 18:30:06  CMG
Share with:

 

Sa okasyon ng ika-90 anibersaryo ng Insidente ng Setyembre 18, idinaos kahapon, Setyembre 18, 2021, sa Shenyang, lunsod ng lalawigang Liaoning sa hilagang silangang Tsina, ang seremonya ng pagpapatunog ng kampana, bilang paggunita sa naturang insidenteng ginawa ng tropang Hapones sa Tsina at nauwi sa digmaan ng mga mamamayang Tsino laban sa pananalakay ng Hapon.

 

Lumahok sa seremonya ang halos 300 tauhan mula sa iba't ibang sirkulo.

 

Sa kanya namang talumpati, sinabi ni Zhao Leji, miyembro ng Pirmihang Lupon ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, na idinaos ang aktibidad na ito, upang alalahanin ang kasaysayan, igalang ang mga yumaong bayani at itaguyod ang diwa ng paglaban ng sambayanang Tsino sa pananalakay ng Hapon.

 

Noong Setyembre 18, 1931, pinasabog ng tropang Hapones ang bahagi ng isang daambakal na kontrolado nila na malapit sa Shenyang. Ibinintang ng panig Hapones ang insidente sa tropang Tsino, at ginawang dahilan ng sumunod na pananalakay sa ibang bahagi ng Tsina.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Koment( Komento)

Please select the login method